2011

Uber busy. Sa mga naghihintay na ma-update ang blog ko, don't worry, di pa naman ako tegi. Hello, may tegi ba na nagbloblog? Hahaha.

So ayun nga, just to inform everyone, I'm effing alive. Just busy. Ang last blog ko was before ako mag US. After a few weeks in the US, bugbog sa work. And di yung pretending na busy ha. As in super busy.

So my US trip was EPIC! Wala naman escapade but the trip was memorable. Went to different cities and states. Lumafang ng lumafang. Nag sight seeing and all. Shopping galore. Witchells ako nag credit card at ayoko mabaon sa jutang I paid all my shopping expenses in cash. Haha. Ang di ko lang keri is yung super long flight.

Then back to work. Syempre di naman ako pinadala sa US para magbakasyon. 12hours/day na trabaho. 4-5 hours lang ang borlogs ko everyday. Fuck diba? Oh well, as long as I accomplish something everyday, keri na ang eyebags pero mygaaaaaash, I super need a break.

Then itong pasko naman, nahold-up ako.... ng family at relatives. Akala siguro nila dahil nakapag-US ako eh Donya na ako. Kaloka. Pero sabi nga nila, it's better to give. So happy naman ako sa pagbibigay ng gifts.

So, 2011 in summary was AWESOME! As in! Dami ko nabiling gamit para sa bahay and still made ipon. Dami ko nakilalang tao especially sa work. I got my promotion last May. One year na kami ni Doraemon. My CD4 went up. Dami dami. And I'm very thankful sa lahat na nangyari at mangyayari pa sa life ko. So sa mga pozzie out there, not because pusit ka na, end of the world na. You should take it as a challenge - to wake up everyday and not just HOPE but DO something about your life.

Malapit na ang 2012. Sabi nila, end of the world na. Sa 12/12/12 ba? Sa 01/12/12? Kelan ba ng mataya sa lotto yang date na yan! Why will God end his beautiful creation (kahit madaming pasaway)?

Anyway, in 2012, I want to make it bongga. I'm setting my target on my next promotion, sa next trip abroad (hmmm... Europe!), meeting friendship, helping out, etc. Ayoko naman gumawa ng bucket list kasi may added pressure. Meron lang akong mga mental notes. Whatever happens diba? Pero I need to watch my health of course. Aanhin ko ang pera ko kung tegi na akech? Dba? So far di pa ko nagkakasakit ulit. I gained weight. As in body fat hindi muscle weight. So therefore it's time to put my vanity hat once more and make myself yummy. LOL. I miss those days na I make girls giggle and boys gigil.

And yes, as much as I can, I will post my misadventures. Katotohanan lamang at walang halong kaplastikan at fiction. Kasi ang dami dyan, fictional na yung post. Well okay naman if fictional eh ang problema, pinagkakalat nya na yun ang nangyayari sa kanya. Dba. Liar. Tapos yung iba, akala mo ang linis linis linis. Teh, mahirap magmalinis lalo na kung gawain mo din. Saka teh, mahirap yung ang linis linis mo nga, puro libag naman ang batok mo. Ewnesssss is next to oiliness which is prone to acne. In short, isa kang pimple na ang sarap putukin.

So ayan. Nang-aaway na naman daw ako. Di naman. Medyo lang. Di ako mabait. Maldita lang. Mahirap ang masyadong mabait. Sa pelikula lang or sa telenobela sila nagwawagi (tapos sa ending pa after 3 months).

So ayun. Good night. I need to borlogs na. See you laters!